Bumaba ng 6.12% ang bilang ng krimen sa National Capital Region (NCR) nitong 2019.
Ayon kay NCRPO Acting Chief Brig. General Debold Sinas, umaabot sa mahigit 48,000 mga krimen ang naitala noong nakaraang taon.
Mas mababa aniya ito sa naitalang mahigit 51,000 krimen noong 2018.
Sinabi ni Sinas, partikular na naitala ang 7.55% pagbaba sa mga index crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, robbery, rape, theft at carjacking.
Habang 5.59% naman ang naging pagbaba sa mga non-index crimes o mga paglabag sa mga local ordinance at mga aksidente sa sasakyan.