Tumaas ng halos 600 o nasa 10,300 ang bilang ng mga patayan na naitala ng pambansang pulisya sa loob lamang ng isang buwan.
Ito’y batay sa datos ng PNP nitong Oktubre 18 mula sa 9,700 na kaso ng homicide na patuloy pa ring iniimbestigahan nuong Setyembre 15.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Dionardo Carlos, prayoridad pa rin nila ang mga kasong ito ngayon lalo’t wala na sila sa war on drugs ng pamahalaan.
Maliban dito, sinabi ni Carlos na kanila ring tututukan ang mga kaso ng riding in tandem gayundin ang internal cleansing sa kanilang hanay lalo’t marami sa kanilang mga kabaro ang sangkot sa mga krimen.