Pumalo na sa 140 ang kumpiradong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagadagang 29 kaso ngayong Linggo ng hapon.
Ayon pa sa DOH, umabot na rin sa 11 ang bilang ng namatay dahil sa naturang virus.
Kabilang sa mga bagong naitalang nasawi ay ang mga sumusunod:
- PH89, na ika-7 sa death toll ng COVID-19 sa bansa, 67-year-old Filipino male mula San Fernando, Pampanga, walang travel history;
- PH79, ika-8 sa death toll, 68-year-old Filipino male mula Makati, walang travel history;
- PH9, ika-9 sa death toll, 86-year-old American male mula Marikina at may travel history sa U.S.A. at South Korea;
- PH54, ika-10 sa death toll, 40-year-old Filipino male mula Pasig, walang travel history; at
- PH39, ika-11 sa death toll, 64-year-old Filipino male mula Negros Oriental at may travel history sa Greenhills, San Juan.
Una nang nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng community quarantine sa buong Metro Manila dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ilang lungsod na rin sa loob at labas ng Metro Manila ang isinailalim sa state of calamity dahil dito.