Lumagpas na sa 6,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 287 na bagong kaso ang Department of Health (DOH).
Batay sa ipinalabas na datos ng DOH, 4 p.m. ng Abril 18, nasa 6,087 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
516 sa nabanggit na bilang ang gumaling na sa sakit matapos namang maitala ang 29 na bagong recovery.
Habang nadagdagan naman ng 10 ang bilang ng mga nasawi na mayroong ng kabuuang 397.
Ngayong araw din naitala ang pinakamababang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa isang araw.