Umabot na sa 1,905 na indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos lumabag sa umiiral na Election Gun Ban.
Ayon sa PNP, sa kabuuang 1,828 operasyon ay umabot sa 1,467 armas ang nakuha.
Maliban pa ito sa 616 bladed weapons, 77 pampasabog at 8,023 na bala.
Nasa 1,828 sa mga naaresto ang sibilyan, 35 ang security guards, 16 ang opisyal ng pulisya, siyam ang military personnel at 17 ang hindi matukoy.
Nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamaraming naaresto na may 693, sinundan ng CALABARZON na may 212, Central Visayas na may 204, Central Luzon na may 177 at Western Visayas na may 103. —sa panulat ni Abby Malanday