Umakyat na sa 759 indibidwal sa bansa ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos lumabag sa ipinatutupad na election gun ban.
Batay sa datos ng PNP, nasa 677 operasyon na ang naisagawa simula nang maging epektibo ang gun noong Enero 9.
Sa 759 lumabag, 728 dito ay sibilyan, sampu ang pulis at apat ay military personnel.
Kabuuan namang 577 armas ang nakumpisa maging ang 273 deadly weapons at 3,849 ammunition.
Nangunguna ang NCR sa pinakamaraming indibdiwal na nahuli, sinundan ng Region 7, Region 3, Region 4-A at region 6. —sa panulat ni Abby Malanday