Pumalo na sa pitongpung libo (70,000) ang bilang ng mga lumikas mula sa Marawi City kasunod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa lungsod.
Ayon kay Interior and Local Government Acting Secretary Catalino Cuy nasa Lanao del Norte ang bulto ng mga nagsilikas na umaabot sa tatlumpu’t anim na libo (36,000).
Meron naman aniyang dalawampu’t limang libo (25,000) na pansamantalang nanunuluyan sa Iligan City, apat na libo (4,000) sa Cagayan de Oro City, tig-isang libo (1,000) sa Bukidnon at Misamis Oriental at isang daang (100) evacuees sa Misamis Occidental.
Tiniyak din ni Cuy na patuloy ang ginagawang aksyon ng pamahalaan para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga evacuees.
By Krista de Dios | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo: CBCPNews