Pinangangambahang dumami pa ang maaaepektuhan ng mga kalamidad sa mga susunod na panahon bunsod ng climate change.
Ayon sa Norwegian Refugee Council (NRC), umabot na sa 20 milyong katao ang nawalan ng tirahan noong 2014 bunsod ng mga pagbaha, bagyo at lindol na inaasahan tumaas pa ang bilang dahil sa climate change.
Partikular na tinukoy ang Asya na prone sa mga natural na kalamidad na halos 90 porsyento ng 19.3 milyong nawalan ng tirahan noong 2014.
Sa tala ng NRC, nanguna ang mga bagyo sa China at Pilipinas at ang baha sa India sa mga kalamidad sa Asya na may pinakamaraming naapektuhan noong 2014.
By Mariboy Ysibido