Umakyat na sa mahigit 18.6 na milyong mag-aaral ang nakapagrehistro na para sa school year 2022-2023.
Batay sa huling datos ng Department of Education (DepEd), kabuuang 18,663,279 na mag-aaral na ang nagparehistro simula July 25.
Abot-kamay na ng naturang bilang ang target ng DepEd na 28.6 million enrollees ngayong taon.
Sa mga enrollees, pinakarami rito ay mula sa Region 4-A, 2.7 million; 2.1 million sa Region 3 habang 2.1 million din sa NCR.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang August 22 o sa mismong araw ng pagbabalik-eskwela.
Hinati ang enrollment process sa tatlong paraan, ang in-person, remote at dropbox habang ang mga Alternative Learning System (ALS) learner ay maaari ring magpatala nang in-person o digital.