Isang daan at tatlumpu’t limang (135) mamamahayag ang napatay noong nakaraang taon.
Ito ang inihayag ng Press Emblem Campaign o PEC na nakabase sa Geneva kasabay ng babala na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga mamamatay na journalists ngayong taon.
Ayon sa PEC, bago matapos ang 2015 ay limang (5) mamamahayag ang napaslang.
Karamihan umano sa mga pinatay na mamamahayag ay mula sa Syria, Iraq at Mexico.
Siyam (9) naman ang nasawi sa France habang tigwa-walo sa Libya, Pilipinas, at Brazil.
Matatandaang noong 2014 ay umabot sa 138 journalists ang napatay, base pa rin sa tala ng naturang press watchdog.
By Jelbert Perdez