Nakarating na rin sa Pilipinas ang global phenomenon ng aging population.
Kinumpirma ng Commission on Population and Development o POPCOM na batay sa Philippine Statistics Authority, ay dumami ang bilang ng matatanda sa bansa o sumampa sa 8.5% noong 2020 kumpara sa 5.9% noong 2000.
Ayon sa POPCOM, na-doble sa 9.2 million ang mga Pilipinong edad 60 pataas noong 2020 kumpara sa 4.5 million sa nakalipas na dalawang dekada.
Ito’y dahil sa bumubuting health at socioeconomic conditions sa bansa bukod pa sa mas nagiging mulat na ang mga senior citizen sa “healthier lifestyles”.
Nangunguna ang Japan sa may pinaka-malaking populasyon ng senior citizen o 27% ng kabuuang 125 million.