Bumulusok ang bilang ng mga miyembro ng Maute Group.
Ayon ito kay 103rd Infantry Haribon Brigade Commander Coronel Romeo Brawner, Jr. dalawang taon matapos ang paglusob ng grupo sa Marawi City.
Sinabi ni Brawner na nasa 25 na lamang ang bilang ng mga Maute members na wala nang kakayahan pang maglunsad ng anumang pag atake.
Gayunman, Tiniyak ni Brawner na mahigpit pa rin silang magbabantay dahil maaari pang maglunsad ng mga maliliit na pag-atake ang mga bandidto tulad nang pambobomba o pagpatay sa mga sundalo at pulis.
Ipinabatid pa ni Brawner na nahinto na ang financialsupport sa Maute group kapag hindi na nakapag-recruit ang mga ito.
Ipinagmalaki naman ni Brawner ang malaking tulong nang ipinatupad na martial law sa Mindanao sa pagpapababa sa kriminalidad at pagpigil sa mga pag atake sa Lanao del Sur.
Ginunita kahapon ang ikalawang anibersaryo ng Marawi siege.