Pumalo na sa mahigit 100 libong pamilya, o katumbas ng nasa 381,000 na indibidwal ang apektado ng lindol na naka-sentro sa abra noong Hulyo a-27.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 1,000 pamilya ang na-displace at nananatili sa mga evacuation center.
Samantala, ayon sa NDRRMC nanatili sa 10 ang mga napaulat na nasawi na may kinalaman sa lindol, kung saan 9 ang kumpirmado at isa ang for validation, habang umabot na 394 ang bilang ng mga napaulat na nasaktan bunsod ng pagyanig.