Sumampa na sa mahigit 2.5 million katao o katumbas ng pitong daang libong pamilya, ang naapektuhan ng bagyong Enteng at habagat sa 10 rehiyon sa bansa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pumalo na rin sa halos 700 million pesos ang halaga ng pinsala sa imprastraktura kung saan mahigit 500 mga pasilidad tulad ng kalsada; paaralan; flood control; tulay at gusali ang naapektuhan.
Umakyat naman sa mahigit 659 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura kung saan mahigit 27 magsasaka at mangingisda ang apektado.
Sa kabuuan, 39 na syudad at munisipalidad na ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng bagyo.