Tinatayang 17,000 katao na ang nagsilikas at pansamantalang tumutuloy sa iba’t ibang evacuation centers sa gitna ng walang tigil na ulang dala ng Habagat sa Luzon at Western Visayas.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, pinaka-marami ang nagsilikas sa Marikina City matapos umapaw ang Tumana River at mga karatig bayan ng San Mateo, Taytay at Rodriguez, sa Rizal.
Pinayuhan naman ni Timbal ang mga apektadong residente na tumangging lumikas na tumuloy na lamang muna sa kanilang mga kaanak o kaibigan upang maiwasan ang siksikan sa mga evacuation center.
Tiniyak din ng NDRRMC Official na nasusunod ang mga health protocol sa mga evacuation center upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang uri ng sakit. —sa panulat ni Drew Nacino