Umabot na sa dalawandaan limampung libong (250,000) pamilya o 1.1 milyong katao ang apektado ng malawakang pagbaha bunsod ng malakas na ulang dala ng habagat na pinakalakas ng magkakasunod na bagyo.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, pawang mga residente sa 1,011 barangay sa Regions 1, 3, 4-A, 4-B, Cordillera Administrative Region at National Capital Region ang mga apektado ng kalamidad.
Nasa 61,000 katao naman ang nananatili sa 302 evacuation centers.
Samantala, tinaya ng ahensya sa mahigit 817 milyong piso na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa mga nabanggit na lugar.
Kabuuang dalawandaan at siyam (209) na kabahayan naman ang napinsala o nasira.
—-