Pumapalo na sa mahigit 300,000 indibidwal ang apektado nang pagsabog ng Taal volcano sa Region 4A o Calabarzon.
Katumbas ito ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ng halos 82,000 pamilya kung saan halos kalahati nito ay tumutuloy sa 500 evacuation center sa buong rehiyon.
Samantala, ipinabatid pa ng NDRRMC na nasa mahigit P27-milyon ang naibigay na ayuda sa mga apektado nang pag a-alburuto ng bulkang Taal.