Pumalo na sa 10,894 na indibidwal ang bilang ng apektado ng Bagyong Obet sa Northern Luzon batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Kung saan 9,974 sa bilang na ito ay mula sa 51 barangay sa Cagayan Valley, 800 katao o katumbas ng 249 pamilya ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), at 120 indibidwal o 35 pamilya ay mula sa Ilocos Region.
Habang nanatili pa rin hanggang ngayon ang 155 pamilya sa 10 evacuation centers, at 746 namang ang indibidwal ang piniling makituloy sa kanilang mga kaanak.