Umabot na sa 12,000 baboy ang nagpositibo sa African Swine Fever o ASF virus sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture, ang mga apektadong baboy ay matatagpuan sa mahigit 20 barangay sa Rizal, Bulacan, Pampanga at Quezon City.
Ayon kay ASF Task Force Head Dr. Reildrin Morales, one – third ito sa kabuuang bilang ng mga baboy na matatagpuan sa ground zero o one kilometer quarantine zones batay sa 1-7-10 protocol.
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng agriculture department na maging biligante at makipagtuluangan sa pamahalaan upang makontrol at mapigilan sa pagkalat ang ASF.