Posibleng umabot sa 18 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Nobyembre hanggang Disyembre sakaling hindi magsuot ng face mask ang publiko.
Sa pagtaya ng Department of Health (DOH), sinabi ni officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maaring tumaas ang COVID-19 cases mula 2,500 hanggang 18,000 kung magiging boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas.
Aniya, inaasahan din ang pagtaas ng impeksyon dahil sa naturang virus na patuloy na nag mu-mutate.
Nanawagan din si Vergeire sa publiko na isipin ng mga ito ang panganib na maidudulot ng hindi pagsusuot ng face masks, dahil mababa pa rin ang booster uptake sa bansa.
Binigyang-diin naman ng health official na ang mahalaga ay nasa minimum level ang severe at critical cases habang nananatiling manageable ang hospitalization rate.
Samantala, hinikayat ni Vergeire ang vulnerable sector na magpabooster shot.