Tumaas ng 20% ang bilang ng bagong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Dr. Tedros Ghebreyesus, nasa 7500 ang naiulat na kaso noong nakaraang linggo.
Dahil dito, umabot na sa 3500 ang kabuuang monkeypox cases na naitala sa 92 bansa.
Sinabi naman ng WHO na dapat tiyakin ng lahat ng bansa ang kahandaan nito laban sa naturang virus.
Matatandaang nakapagtala ang Pilipinas ng unang kaso ng monkeypox virus noong Hulyo 29.