Sumampa na sa 23,180,969 ang mga indibidwal na nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19 o 30% ng 77-M na target population ng bansa.
Batay sa datos ng Inter-Agency Task Force, aabot naman sa 26,486,522 ang tinurukan ng first dose hanggang noong linggo.
Sa kabuuan ay nasa 49,673,491 na ang binakunahan sa bansa kabilang ang 7,579,220 fully-vaccinated individual sa NCR o 77.53% ng 9.8-M na target population.
Muli namang hinimok ng gobyerno ang mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna na ng kahit anong brand ng COVID-19 vaccine dahil aprubado ang lahat ng ito ng Food and Drug Administration at World Health Organization. —sa panulat ni Drew Nacino