Inihayag ng Ministry of Health (MOH) na mas mataas ang vaccination rate sa mga island provinces ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o Basulta kumpara sa mainland provinces sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa MOH, ang basulta ay may average na kabuuang saklaw ng pagbabakuna na 30.11%, habang ang mga lalawigan ng mainland ay may average na saklaw na 20.79%.
Ito’y matapos nasertipika ng mga doktor na ang mga bakuna ay halal at ligtas at ibinibigay sa lahat ng mga residente nang libre.
Samantala, binigyang-diin ni Assistant Health Secretary Dr. Abdulhalik Kasim ang kahalagahan ng wastong koordinasyon upang matugunan ang pag-aalangan sa bakuna at pataasin ang kumpiyansa at tiwala sa bakuna ng komunidad. —sa panulat ni Kim Gomez