Umabot na sa 1.2 milyong batang edad lima hanggang labing-isa ang bakunado na kontra COVID-19.
Kabilang sa nasabing bilang ang nasa 380,000 fully vaccinated simula nang ilarga ang pediatric vaccination noong Pebrero a-7.
Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 9.7 milyong mga edad 12 hanggang 17 na ang naturukan na rin ng COVID-19 vaccine.
Tiniyak naman ni Vergeire sa mga magulang na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbili ng mga akmang COVID-19 jabs para sa mga menor de edad.