Umakyat na sa halos 41,000 ang bilang ng mga bilanggo na nakakumpleto ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) , ito’y halos kalahati sa higit 123,000 na mga presong nakapiit sa iba’t ibang bilangguan sa bansa na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Nabatid na nasa 75,970 o 61.5 % na ang kabuuang bilang ng mga bilanggo na naturukan ng first dose ng bakuna laban sa impeksiyon.
Samantala, mahigit 18-K personnel na ng BJMP ang fully vaccinated.