Umabot na sa mahigit 800,000 menor de edad na 12 hanggang 17 taong gulang ang binakunahan kontra COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala lamang ng 10% adverse reactions, na karamiha’y mild at temporary, pero agad namang na-manage.
Dahil dito, inihayag ng kagawaran na naging matagumpay ang pediatric vaccination ng pamahalaan.
Hinihikayat naman ng DOH ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak na edad dose hanggang disi syete sa mga vaccination site upang maprotektahan sila laban sa COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino