Kasunod ng muling pag-alburoto ng Bulkang Bulusan, aabot na sa 12 barangay sa Juban, Sorsogon ang apektado na ng Ashfall.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kabilang dito ang mga barangay ng:
- Puting Sapa
- Añog
- Buraburan
- Bacolod
- Rangas
- Roroy
- Sipaya
- Maalo
- Calateo
- Cogon
- South Poblacion
- at North Poblacion.
Samantala, sa panayam ng DWIZ kay PHILVOLCS Undersecretary Director Renato Solidum Jr., nagpaalala ito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometer radius permanent danger zone at maging maingat naman ang mga nakatira sa 2-kilometer danger zone.
Aniya, hindi naman daw nila inirerekomenda pa ang sapilitang pagpapalikas pero sakaling makaranas ng ashfall ay pwedeng magsagawa ng self-evacuation.