Nakapagtala ang lalawigan ng Bulacan ng 18K mga batang edad 5 hanggang 11 ang nakatanggap na ng unang dose ng Reformulated Pfizer vaccine makaraang ikasa ang pediatric vaccination nito lamang February 7.
Pinangunahan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang Ceremonial launching ng “Resbakuna kids” sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos, Bulacan.
Ayon kay Galvez, layunin ng nasabing programa na maprotektahan ang mga bata upang hindi magkasakit at mailayo sa COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero