Umabot na sa 688 ang kabuuang bilang ng mga biktima ng human trafficking na nailigtas ng Bureau of Immigration (BI) sa nakalipas na taon.
Ayon sa mga tauhan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI, umaabot naman sa 13, 680 ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang hindi pinayagang makaalis dahil sa improper documentation kung saan 491 dito ay pinaniniwalaang biktima ng human trafficking.
Sa pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, nai-turn over na sa Inter-Agency Council Against Traffikcing ang mga biktimang OFWs upang matulungan at isailalim sa imbestigasyon.
Samantala, nai-turned over naman sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang nasa 197 minors na may hawak ng kuwestiyonableng overseas work permits at job contracts.
Sinabi pa ni morente na nasa 326 na minors ang na-intercept ng mga tauhan ng BI sa NAIA kung saan 18 dito ang nag-assume ng identities ng ibang tao habang 34 naman ang nabisto ng forensic laboratory na may hawak ng pekeng dokumento.—sa panulat ni Angelica Doctolero