Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitatalang fire cracker–related incident ngayong bisperas ng bagong taon.
Sa tala ng Department of Health, pumalo na sa 54 ang kaso ng mga naputukan kung saan pinabagong nadagdag ay ang kaso ng 13 taong gulang na batang lalaki na kinailangan putulan ng bahagi ng kanyang katawan matapos na masabugan ng cylinder sa Aliaga, Nueva Ecija.
Karamihan sa mga nasugatan ay dahil sa piccolo at boga.
Mula sa 54 kaso, 21 ay mula sa Metro Manila, tig–anim na kaso mula sa region 7 at region 1, apat na kaso sa region 2, Calabarzon at region 5, tatlong kaso sa region 12 at region 3 at tig-iisang kaso naman mula sa region 3, region 11 at Mimaropa.