Pumalo na sa 81 katao ang bilang ng mga biktima ng paputok nitong Pasko at bago ang pagsalubong sa Bagong taon.
Ayon sa Epidemiology Bureau ng Department of Health o DOH, bagama’t bumaba ng 48 percent ang mga nagtamo ng firecracker-related injuries ay mga bata ang karamihan sa mga biktima.
Batay sa rekord, 75 percent o 60 sa mga ito’y nasugatan sa kamay habang siyam naman ang nagkaroon ng eye injuries.
Sinasabing ang pinaka-matandang biktima ay 52 gulang habang isang taong gulang naman ang pinaka-bata.
By: Jelbert Perdez