Umakyat na sa 23 ang bilang ng mga biktima ng paputok simula nitong Disyembre 16.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, kasama sa bilang ang isang pasyente na nakalunok ng paputok at isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center.
Nilinaw ni Tayag na ang 23 kaso na naitala nila ay mas mababa ng 28 percent sa nakalipas na limang taon at 21 percent na mas mababa sa bilang sa kaparehong panahon noong 2015.
Nakapagtala ng 14 na kaso ang National Capital Region o NCR kung saan 3 sa Quezon City at tig-isa naman sa mga lungsod ng Las Piñas, Navotas at Pasay.
By Jelbert Perdez