Umabot na sa halos 1.6m biyahe ang naitala sa lahat ng paliparan sa bansa.
Batay sa datos ng Manila International Airport Authorty (MIAA), nakapagtala na sila ng 1, 589, 351 flights para sa domestic at international travel inbound at outbound.
Halos triple ang itinaas nito kumpara sa naitalang 368, 265 kabuuang biyahe kada araw noong isang taon.
Malaking tulong sa magandang datos ang pagluluwag sa COVID-19 restrictions gayundin ang unti-unting pagbubukas ng turismo ng Pilipinas para sa mga lokal at mga dayuhan.
Pero sa kabila nito, patuloy ang paalala ng MIAA sa mga pasahero na ugaliin pa ring sumunod sa health and safety protocols, upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.