Nabawasan na ng 1 milyon ang dating 4.8 milyong mga botante na nanganganib na hindi makaboto dahil sa kawalan ng biometrics.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez, bunga ito ng kampanyang “no vote, no bio” na dibdibang isinusulong ng ahensiya.
Layon nitong mailapit ang pagpaparehistro sa mga botante kabilang ang registration sa mga mall, simbahan at iba pang pampublikong lugar.
Samantala, patuloy ang ginagawang pag-apela ng COMELEC sa natitira pang 3.8 milyong mga botante na wala pa ring biometrics.
Maaari aniyang magparehistro at magpakuha ng biometrics hanggang Oktubre 31.
By Rianne Briones