Tinaasan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang bilang ng mga bumabiyaheng Transport Network Vehicle Service o TNVS.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, mula sa dating P45,000 ay ginawa nang P65,000 ang pinayagang mag-biyahe sa Metro Manila.
Aniya, lumalabas kasi sa naging pagsusuri ng isang third party auditor na higit 59,000 lamang ang kuwalipikado at aktibong miyembro ng TNVS.
Manggagaling naman ang higit limang libong (5,000) balanse sa mga nag-pasa ng aplikasyon bago nag-cut off ang LTFRB noong July 2017.
Samantala, pinayagan naman ng LTFRB na mag-biyahe ang mga hatchback na sasakyan ngunit sa loob lamang ng Metro Manila, lalagyan ito ng sariling katergoya at dapat na maningil ng mas mababang pasahe.
Kada tatlong buwan ay ire-review ng ahensya ang limitasyon upang masigurong natutugunan pa rin nito ang pangangailan at dami ng pasahero.
—-