Nagkaroon na ng “significant decline” sa bilang ng mga turistang nagtutungo sa Albay.
Ayon ito kay Benjamin Santiago, Regional Director ng Department of Tourism-Bicol kasunod nang pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sinabi ni Santiago na nakaapekto sa turismo lalo na ang pagpapatupad ng provincial government ng no flight zone sa lungsod ng Legazpi dahil na rin sa ash fall na delikado nga naman para sa mga eroplano.
Bukod dito, ipinabatid ni Santiago na umaaray na ang ATV operators dahil halos walumpung (80) porsyento ng kanilang kita ang nawala habang idinadaing naman ng mga hotel ang pag kansela ng maraming guests nila dahil sa nasuspinding flights.
Gayunman, naniniwala si Santiago na makakabawi pa ang Albay pagsapit ng summer.
—-