Walang nagbago sa bilang ng mga bumibiyaheng public utility vehicle (PUV) sa National Capital Region (NCR) Plus matapos ipatupad muli ang general community quarantine (GCQ) sa bansa.
Ito ay ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, hindi nagbago ang mga bilang ng mga operational PUV units na tumatakbo simula pa ng naipatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
Dahil dito, sinabi ni Delgra na tuloy ang pagbubukas ng mga ruta ng PUVs na nasa 80% na.
Bukod dito, binuksan na rin ang inter-regional routes kung saan pinapayagan nang bumiyahe ang publiko papasok at palabas ng Metro Manila.
Bagama’t inaasahan ang pagdami ng mga pasahero patuloy pa rin ipapatupad ang mahigpit na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa. —sa panulat ni Rashid Locsin