Aabot sa kabuuang 38,154 na mga indibidwal ang bumisita sa Intramuros sa Maynila ngayong buwan.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang nasabing bilang ay mataas ng 132 percent kumpra sa 28,855 visitors na naitala noong Enero.
Sinabi pa ni tourism secretary and Intramuros Administration Chairperson Berna Romulo-Puyat na ang Intramuros ay isang “ideal site” sa new normal, dahil sa isa itong open space, mayroong lush gardens at istriktong naipatutupad ang health and safety protocols.
Setyembre noong nakaraang taon nang muling buksan sa publiko ang intramuros nang ilagay sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.