Nabawasan ng 20,000 ang bilang ng contact tracers ng pamahalaan makaraang matapos ang kanilang mga kontrata.
Ayon kay Defense Secretary at Chairman of the National Task Force Against COVID-19 Delfin Lorenzana, sa ngayon ay nasa 115,611 na lamang ang bilang ng contact tracers mula sa dating 136,937.
Hindi naman binanggit ni Lorenzana kung ire-renew ng gobyerno ang kontrata o kung may iba pa silang mga plano.
Aabot sa kabuuang 20,865,838 COVID-19 tests ang naisagawa sa bansa mula nang magsimula ang pandemya. —sa panulat ni Hya Ludivico