Umabot sa higit 100 cruise ship ang dumaan at bumisita sa mga isla ng Pilipinas noong nakaraang taon.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, dumaong ang mga naturang barko sa mga Isla ng buhawan; Cebu; Boracay at sa iba pang 30 discovered island destination sa Pilipinas.
Kaugnay nito, layon ng departamento na magkaroon ng expansion cruise ship portfolio ang bansa dahil sa higit pitong libo ang mga isla sa bansa na maaaring maging tourist destination.
Samantala, ikinagalak naman ng kalihim ang matagumpay na pagtutulungan ng dot kasama ang local governmeent agencies at DPWH para sa reconstruction sa tourism road infrastructure project. – sa panunulat ni Kat Gonzales