Lalo pa umanong tumaas ang bilang ng mga dayuhang guro na dinarakip at ipinade-deport mula sa China.
Sinasabing hindi lang doble kundi apat na beses na mas marami ang pinauuwi at dinarakip na dayuhang guro sa China ngayong taon kumpara sa mga nagdaang taon.
Kabi-kabila rin di umano ang pagdakip dahil sa alegasyong paggamit ng illegal drugs.
Tatlo sa mga dayuhang teachers na di umano’y nadetini ng 10 hanggang 30 araw ang nagsabi na nag negatibo sila sa drug test nang magtungo sa China kaya’t nasorpresa sila nang bigla silang mag positibo matapos maaresto.
Layon di umano ng mga pag aresto na magkaroon ng makabayang educational system ang China.