Pumalo na sa mahighit anim na milyon ang bilang ng mga dayuhang turista na nagtungo sa bansa sa unang siyam na buwan ng 2019.
Batay ito sa datos ng Department of Tourism o DOT mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon.
Mas mataas ito ng mahigit 14 na porsyento sa naitalang mahigit 5 milyong mga dayuhang turista na nagtungo sa bansa noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Ayon pa sa DOT, maging nitong Setyembre na itinuturing na lean month, tumaas din ng 17 porsyento ang bilang ng mga dumating na dayuhan sa bansa.
Nananatili namang South Koreans ang lahing may pinakamataas na tourist arrival sa bansa na sinusundan ng Chinese, Americans at Japanese.