Tinatayang umabot sa mahigit 2,500,000 deboto ang lumahok sa Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Ito’y batay sa tala ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kagabi, Enero 9.
Nag-abang naman sa Quiapo church ang nasa 530,000 deboto para sa pagdating ng andas kung saan naka pwesto na rin ang mga pulis.
Samantala, ayon sa MDRRMO, umabot sa 487 katao ang bilang ng sugatan sa Traslacion.
Gayunman wala naman umanong lubhang sugatang deboto, maliban sa isang deboto na kinailangan itakbo sa ospital makaraang mahirapang huminga.