Nasa 2.5 milyon na ang bilang ng mga taong nasa lugar ng Quiapo at sa iba pang panig ng Maynila na lumalahok sa Traslacion.
Batay ito sa crowd estimate ng Quiapo police pasado ales-tres ng hapon, January 9, 2018.
Samantala, samu’t saring tao ang makikita sa harap ng Quiapo church. May mga deboto, manghuhula, at ‘yung mga nagpapakilaang manggagamot.
Ipinagbabawal ng mga pulis ang pagtitinda sa loob ng Plaza Miranda pero pinapayagan ang mga street vendor sa gilid ng simbahan. Gayunman, paaalisin din ang mga ito oras na dumating na ang prusisyon
Wala namang naitalang mabigat na problemang pang seguridad at untoward incidents maliban na lang sa mga mangilan ngilang snatcher na nahuli naman ng mga pulis.
May 7 bata naman ang naiulat na nawawala at ngayo’y pinaghahanap ng mga magulang.
Sa taya ni Manila Police Director Joel Coronel, aabot ng 16.5 milyong mga deboto ang dumagsa para sa Pista ng Itim na Nazareno, 10% mas mataas kaysa noong isang taon.