Mahigit 1 milyong katao ang bilang ng nakiisa sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO, tinatayang nasa 1.2 milyong deboto ang lumahok sa prusisyon ng Black Nazarene na sinimulan sa Quirino Grandstand sa Luneta kaninang alas-5:30 ng umaga.
Sinasabing mas mabilis ngayon ang usad ng traslacion ng Poong Nazareno kumpara noong nakaraang taon.
Bago pa mag-tanghali, nakalagpas na ang andas ng Itim na Nazareno sa Manila City Hall.
Noong 2016, makapananghali na nang lumagpas sa City Hall ng Maynila ang andas.
Inaasahang matatapos ang traslacion sa pagitan ng alas-11 ngayong gabi hanggang ala-1 ng madaling araw bukas.
By: Meann Tanbio