Posibleng lomobo sa 4 na milyon ang bilang ng mga drug addict pagsapit ng Enero 2017.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa Filipino Community sa Singapore.
Ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kung bakit hindi siya masisisi at kung bakit ganito na lang ang galit niya sa mga nasa likod ng pagkalat ng iligal na droga .
Sa bahagi ng talumpati ng Pangulo, muli nitong iniugnay si Retired PNP Deputy Director General Marcelo Garbo Jr. kay dating DILG Secretary Mar Roxas.
Ipinabatid ng Pangulo na si Garbo ay dating nagsilbi bilang military aide ni Roxas at sumuporta rin sa kandidatura nito sa nagdaang may 2016 national elections.
Isa si Garbo sa pinangalanan ni Pangulong Duterte sa kanyang iprinisintang drug matrix kamakailan.
Ayon sa Pangulo, kung nagkataong nanalo bilang Presidente si Roxas, tiyak aniyang lalo pang lalawak ang operasyon ng iligal na droga sa bansa sapagkat malayang makakikilos sa iligal na gawain ang tinukoy niyang isa sa Narco Generals na si Garbo.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping