Aabot na sa 100,000 katao na ang pumasok o bumisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila, ang Manila North Cemetery.
Ayon kay Manila Police District o MPD Station 3 Public Information Chief, Chief Inspector Ana Simbajon, mas mababa ang naturang bilang kung ikukumpara sa bisperas ng undas noong nakaraang taon na nasa 400,000.
Talagang malaki ang deperensya, compare last year sa ngayon.
Well, nakikita naman sa ngayon sa panahon ngayon, hindi talaga maganda ‘yung panahon ngayon, umaga pa lang umuulan na. sa ngayon, hindi pa tumigil ‘yung ulan, so baka ‘yun o baka ‘yung iba nakapag-bakasyon na kasi medyo mahaba-haba din ‘yung ano natin… oras para mag-bakasyon.
Batay sa tala, aabot sa 58 bladed weapons, 163 flammable materials, 17 gardening tools at dalawang sound system ang nakumpiska ng mga otoridad sa Manila North Cemetery.
Sa ngayon, sinabi ni Simbajon na wala pa namang naitatalang untoward incident sa naturang himlayan.
Nandito naman ‘yung mga kapulisan, ‘yung ating district tactical operation center, kung meron tayong possible complaints. So, so far, tinanong natin sila, wala naman silang nare-received. So, siguro maganda din ‘yung ating ginawa na pinarami natin ‘yung ating pulis.
Sinabi naman ni MPD Station 3 Station Commander Arnold Thomas Ibay, sa ngayon ay generally peaceful ang sitwasyon ang sitwasyon sa Manila North Cemetery.
Kasabay nito, nagbigay ng paalala si Ibay sa mga magtutungo ng sementeryo hanggang bukas para sa araw ng mga patay.
Paalala natin ‘yung mga bawal ‘wag nang dadalhin. Matagal na po nating ina-announce na bawal ang mga matutulis na bagay, bawal ang maiingay tulad ng stereo, bawal ang… bawal ang pagsusugal at magdala na din sila ng kanilang mga payong dahil paiba-iba ang panahon.
UPDATE ng MPD sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas | via Aya Yupangco (Patrol 5) pic.twitter.com/5N9yG7Tkms
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 31, 2017
Sitwasyon sa Manila North Cemetery | via Aya Yupangco (Patrol 5) pic.twitter.com/TrjDr3b5Fv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 31, 2017