Pumalo sa mahigit na 1,000 ang dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City.
Sinabi ni Bagbag Public Cemetery Administrator Gene Biglang Awa, wala pa namang naitatalang untoward incident.
Kasama sa ipinatutupad na seguridad ang hiwalay na entrance ng babae at lalake at sila ay kapkapkapan upang walang maipuslit na ipinagbabawal na gamit tulad ng speakers, mga gamit pang sugal, alak o anumang uri ng inuming nakalalasing.
Maliban dito, kailangan din magpresinta ng vaccination card ang mga magulang na may kasamang bata at ang mahigpit na pagpapatupad ng No Face Mask, No Entry policy.
Samantala, nasa 500,000 katao ang inaasahang dadagsa sa Bagbag Public Cemetery hanggang sa November 2.