Inihayag ng Department of Education (DEPED) na mataas ang bilang ng mga nagpapa-enroll para sa nalalapit na pagsisimula ng school year 2022-2023.
Ito’y ayon kay DEPED Spokesman Atty. Michael Poa ay kasunod ng mga ginagawang paghahanda ng ahensiya para sa face-to-face classes ng mga estudyante.
Sinabi ni Poa na nakapagtala na sila ng mahigit 13 million na enrollees at inaasahang tataas pa ito hanggang sa dumating ang mismong araw ng pasukan sa Agosto a-22.
Aniya ang mataas na bilang ng mga enrollees ay indikasyon na maraming estudyante ang nasasabik na sa face to face classes matapos ang dalawang taon na hindi nakapasok sa paaralan bunsod ng COVID-19 pandemic.
Samantala, muling pinaalalahanan ng opisyal ang mga estudyante na magpabakuna para sa kanilang kaligtasan dahil hindi pa tapos ang problema sa naturang sakit.