Pumalo na sa halos 6,000 mga residente ang tinatamaan na ng iba’t ibang uri ng sakit sa mga evacuation centers sa Albay.
Batay sa tala ng Department of Health , halos 4,000 mula sa naturang bilang ang nagkaroon ng ‘respiratory infection’ o sakit sa baga na nangungunang kaso ng sakit sa mga evacuees.
Nakapagtala rin ng 500 kaso ng tinamaan ng high blood pressure at 300 kaso ng diarrhea.
Sinasabing ang pagkalat ng sakit ay resulta ng pagsisiksikan ng mga residente sa mga evacuation centers at dahil sa abo na ibinubuga ng Mayon na nalalanghap ng mga tao sa lugar.
Posted by: Robert Eugenio